0ktubre 17,1987
Sa araw na ito ay nagtipon dito ang mga tagapagtanggol ng mga karapatang pantao mula sa ibat ibang panig ng daigdig.
Pinarangalan nila ang mga naging biktima ng kagutuman, kamangmangan at karahasan.
Pinanindigan nila ang paniniwalang ang kahirapan ng tao ay maaring iwasan.
Ipinahayag nila ang kanilang pakiikiisa sa mga tao sa buong mundo na lumalaban upang masugpo ang matinding kahirapan sa buhay.
״Saan man may mga babae at lalaki na nasasadlak sa kahirapan, naroon ang paglabag sa mga karapatang pantao.
Kaya’t banal na katungkulan nating magkaisa upang tiyakin na iginagalang ang mga karapatang ito”
Father Joseph Wresinski,
Paris, ika 17 ng oktubre 1987