Tinuruan kami ni Inay na maging marangal

Apat na taon ako nang magsimula akong maghanapbuhay

 Apat na taon ako nang magsimula akong maghanapbuhay bilang  sakristan. Hanapbuhay iyon para sa akin sapagkat dito ako nagkaroon ng makakain tuwing umaga. Pagkatapos ng misa, binibigyan ako ng kapeng may gatas at tinapay. Tuwing Linggo naman, may pahid ng mantekilya ang tinapay. At may natatanggap pa kaming ilang sentimo linggu-linggo

Nakuha ko ang hanapbuhay na ito sa tulong ni Sister Augustine. Napansin niya sa araw-araw ang kambing na pinapastol ko at ng aking kapatid. Ang kambing na ito ang siyang pinagkukunan ng gatas para sa bunso naming kapatid na babae. May malasakit si Sister Augustine sa amin, sa kalusugan ng aming bunso, at kay Inay. Napalapit kami sa kanya dahil mga pobreng bata kami.

Namatay ang alaga naming ibon

Natatandaan ko noong musmos pa ako, nakakita kami ni kuya ng isang ibong sugatan at ito’y inuwi namin. Inilagay namin ito sa hawla, pinakain, binigyan ng maiinom at inalagaang mabuti. Mahal namin talaga ׳yung ibon. Lag itong umaawit at ito’y ikinatuwa ni Inay.

Ngunit sumama ang takbo ng buhay namin. Hindi na kami nakakatanggap ng sulat mula kay Itay at naubos na ang aming pera. Walang-wala talaga kami. Si Inay ay umiiyak, pati na rin kaming mga bata. Hindi namin naiintindihan ang mga pangyayari at hind¡ namin malaman ang gagawin. Nagnakaw pa nga ako ng bulaklak para ibigay kay Inay nang sumigla naman siya. Kumupit rin ako ng pera sa naglalako ng karne para bilhan siya ng regalo ngunit hindi rin siya sumigla.

Dumating ang araw at guminhawa nang kaunti ang aming buhay. Dito namin napansin na hindi na umaawit ang ibon. Namatay ito. Dahil sa dam¡ ng sarili naming problema, nalimutan namin ang ibon.

lyan ang nagagawa ng kahirapan sa atin: hindi tayo nakakatiyak na mananatili sa piling natin ang ating mga mahal sa buhay.

Tinuruan kami ni Inay na maging marangal

Dumating ang panahon na sinabihan si Inay ng kanyang mga kakilala na ilagak na ako sa bahay ampunan. Baka sakaling doon ay matuto raw ng ako matinong gawain kasi napakasalbahe ko noon. Nagnanakaw ako ng prutas sa mga kapitbahay at halos lahat ng masamang gawain ay pinasukan ko. Minsan nga tinutukan ko ng laruang baril ang isang tindera ng sigarilyo at itinakbo ko ’yung perang nakita ko sa mesa. Ako na marahil ang pinakamasamang bata sa aming lugar.

Sa panahon ngayon, ang batang katulad ko ay ilalagay sa kulungan ng mga nagkakasalang menor de edad. Hindi na ikinatutuwa ng mga kapitbahay ang mga pinaggagawa ko at pati si Inay ay nahihirapan minsan. Nag-aalala siya sa karangalan ng aming pamilya kaya׳t pinayuhan siyang ipasok akosa bahay ampunan. Ngunit sa gabing bago ako dalhin doon, nagsalita si Inay, “Hindi ka ulila. Ikaw ay may ina.”

Ako’y natutong makiisa sa mahihirap dahil sa aking ina. Iniwan na kami ni Itay kaya׳t nag-iisa ang aking ¡na sa pagpapalaki sa aming apat na magkakapatid. Sa gitna ng kahirapan, hindi kami malungkot sapagkat alam ni Inay kung papaano kami pasayahin. At salamat sa kanya, kam¡ ay ginalang sa aming komunidad. Hindi namin ikinahiya ang aming katayuan sa buhay bagamat minsan ay tinutuya kami dahil sa aming apelyidong banyaga.

Nagawa ni Inay ang lahat ng ito para sa amin, dahil sa kabila ng kahirapan,lagi niyang pinanatili ang kanyang dangal at pur¡. Tinuruan niya kaming maging marangal. Kung may taong nambabastos sa amin, ito ay kanyang sinasabihan, “Hindi ko pinahihintulutang gawin mo iyan sa amin״.

Iginalang ang aming pamilya dahil sa kanya.

0 comments Leave a comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.